Vicipaedia:De nominibus propriis/tl
- Ito ang salinwikang Tagalog ng pinagkuhanang pahina (ayon sa rebisyon bilang 2878253[diff]).
Mga opisyal na pangalang Latin
recensereMaraming makabagong mga bagay ang may opisyal at pang-agham na pangalang Latin. Ito-ito ang mga pipiliin kung umiiral ang mga iyon. Mga halimbawa:
- mga Katolikong Dyosesis (tingnan ang Pamunuan (Herarkiya) ng Simbahang Katoliko)
- mga opisyal na Katolikong titulo
- mga espesye (uri ng nilalang) at iba pang pang-byolohikong taksones
- mga planeta, asteroyde, satelite (buwan o maliit na planeta), konstelasyon (ayos ng mga bituin)
- mga pangalang pangkatawan
- mga sakit (karamdaman)
- pamantasan o unibersidad (karamihan ngunit hindi lahat: para sa ibang nakatalababa nang mga pangalan, tingnan ang VP:UNI)
Mga pangalang pantao
recensere- Tingnan din ang mga pangalang Latin ng mga pangkasaysayang pigura
- Kung mayroon nang pangalang Latin ang isang tao, na maaaring sa kapanganakan o karaniwang gamit, o ginagamit mismo ng taong iyon, gamitin iyon; hal., Cicero, Confucius, Benedictus XVI, Carolus Linnaeus.
- Kung wala pa namang nakagawiang pangalang Latin ang taong iyon, ililipat ang mga unang pangalan sa katumbas na Latin kung mayroon man; iiwanang di-binago ang mga apelyido; hal. Georgius Bush (Georgius W. Bush), Iohannes Howard, Iohannes Ronaldus Reuel Tolkien.
Mga pangalang pang-lugar
recensere- Tingnan din ang Mga pinagkukuhanan ng mga pang-lugar na pangalang Latin
- Kung mayroong pangalang Latin ang isang lugar, maaaring gamit pang-Romano, higit na kamakailang gamit, o ginagamit mismo ng lugar, gamitin iyon. hal. Mare Internum, Chorea Gigantum, Londinium, Minneapolis. Magbigay-tukoy ng pinagkuhanan para sa pangalan.
- Kung wala pa namang pangalang Latin para sa isang lugar, hindi iyon dapat isalinwika maliban kung gumagamit ng pangkaraniwan o kasalin-salin na mga salita sa sariling wikang iyon, na sa ganoong kaso ay maaari nating isalin ang mga iyon. Kaya naman, Pocatello (indecl.), Turris Eiffel, Nova Caesarea. Ngunit hindi dapat isalinwika rito ang mga salitang tambalan maliban na lang kung umiiral na sa Latin ang kaparehang salitang tambalan.
- Sa mga lugar na kultural na na-impluwensyahan ng simbahang Romano Katoliko, maraming nayon ang mga pinangalanan hango sa mga santo, halimbawa
San Francisco,
San Diego,
Saint George,
Sankt Anton,
Sankt Moritz,
Sankt Vigil,
Santa Maria,
atbp.
Kung walang patunay na pangalang Latin, alinsunod sa nomenklatura [1] maaaring isalin ang mga ganoong pangalan kaya naman:
Fanum Sancti Francisci,
Fanum Sancti Didaci,
Fanum Sancti Georgii,
Fanum Sancti Antonii,
Fanum Sancti Mauritii,
Fanum Sancti Vigilii,
Fanum Sanctae Mariae,
Fanum Sanctae Fidei. - Kung lumilitaw na pinangalanan ang pangalawang nayon na nagmula sa una, (kagaya ng Paris, Texas na kitang-kitang na mula sa Paris, Pransya), hindi natin ililipat sa Latin na mula sa una para sa pangalawa (kaya naman [[Paris (Texas)|]] at hindi <s>[[Lutetia (Texas)|]]</s>) maliban kung nailipat na sa pangalan ng mapagkakatiwalaang panlabas na pinagkuhanan (sa ganoong kaso, magbanggit ng pinagkuhanan).
- Kung ang isang nayon o ibang lugar ay may pangalan na kabilang ang pangalan ng mismong bagay (katulad ng Baltimore City, na isang lungsod, o ang Candy Mountain, na isa namang bundok), ay maglalaman ang pangalan ng pangalang Latin ng bagay na iyon, ngunit hindi ang iba pang pagsasa-Latin -- at ang mga pangalan ay magiging nasa pagkakaayos sa katutubong wika (kaya naman: Baltimore Urbs, Candy Mons), maliban siyempre kung mayroon nang pangalang Latin para sa nayon na nasa panlabas na pinagkuhanan (at saka dapat mong isama ang pinagkuhanan). Ngunit, ganoon pa man, mayroong pangalan ang lugar na kabilang ang pangalan ng kung ano pa mang bagay (halimbawa, College Park, na hindi isang liwasan kundi isang nayon, Silver Spring, na hindi isang bukal kundi isang lungsod, o ang Rising Sun, na isang nayon, hindi araw), ang bagay ay hindi dapat isa-Latin. Ganoon pa man, pakitandaang mabuti: kung ang nayon ay may pangalang nagpapataas ng katayuan nito, kagaya ng Lungsod ng Delaware, na isang munting nayon at walang dudang hindi isang lungsod, o nagpapababa ng katayuan nito, kagaya ng Lexington, Kentucky, na isang lungsod at walang dudang isang nayon, ay mainam na isalinwika ang bagay sa Latin: Delaware Urbs, Lexintonia.
- Sa Byolohiya, Botanika, pangalan ng mga dyosesis at Soolohiya, maraming lugar ang may anyong pang-uri ng mga pangalan ng mga iyon (kadalasang nagtatapos sa -ensis). Gamitin ang mga ito ngunit bago ang uri ng pagkakaayos. Halimbawa
Malhamensis Vicus (para sa Malham, isang munting nayon)
Tristanenses Insulae (Para sa Tristan da Cunha, isang pangkat ng mga kapuluan)
Ebebiyinense oppidum para sa Ebebiyín, isang nayon.
Mga Kumpanya
recensere- Hindi isinasalinwika ang mga kumpanya, samahang pang-relihiyoso, atbp. maliban kung mayroong pangalang Latin o madalas ang salinwikang pangalan sa ibang mga wika. Kaya naman, Apple Computer, Colgate-Palmolive, Mitsubishi, Societas Crucis Rubrae. Kung kaya mo man, ibigay ang salinwika sa unang binanggit: Mitsubishi (Iaponice/Hapones: Tres Rhombi)
- Hindi rin isinasalinwika ang mga tatak-pangkalakal. Dito rin, kung kaya mo man, ibigay ang salinwika.
- Isasalinwika dapat ang mga pangalan ng mga institusyong pangkabihasnan (paaralan, akademya, museo, lipunan para sa pagkatuto, atbp.) kung maaari lamang. N.B.: Marami na ang may opisyal na pangalang Latin, at ginagamit natin ang mga iyon.
Mga aklat at mga gawaing pang-sinig
recensere- Kung mayroon nang pangalang Latin, gamitin iyon. Kung isinalinwika ang pangalang Latin na ito mula sa ibang orihinal na wika, idagdag ang pinagkuhanan para sa pangalang Latin.
- Kung ginawa ang likha sa ibang (mga) wika, at hindi batid ang salinwikang Latin, gamitin ang pangalan sa orihinal na wika (Ibigay ang salinwika pagkatapos ng unang nabanggit kung maaari man).
- Kung walang nilalamang pangwika ang likha na lagpas pa sa pamagat niyon (katulad ng lilok, o isang piyesang instrumental na pang-musika), isalinwika ang orihinal o ang nakagisnang pangalan kung kaya mo man, at ibigay ang orihinal na pangalan pagkatapos ng unang binanggit.
Akronimo
recensere- Kung umiiral na ang akronimong Latin, gamitin iyon.
- Kung dumedepende sa wika ang akronimo, gamitin iyon. Kaya naman, NASA, UNICEF.
- Kung hindi dumedepende sa wika ang akronimo, mainam na huwag subukang isalin, kundi banggitin iyon nang buo. Ngunit, kung nagiging sagabal na iyon, gumamit ng kawing sa artikulo o ang buong lawak ng akronimo, kasama ng unang binanggit: "SIDA" or "syndrome immunitatis defectus acquisiti (SIDA)".
Pagsasalintitik (transliterasyon) ng mga pangalan
recensere- Kung ang pangalan ay likas sa isang wika hindi gumagamit ng titik Latin, saka tayo gagamit ng ISO pangsalintitik, malamang ay sa anyong normal, nang walang tuldik o J. Kaya naman, Victor Juščenko/Victor Iuscenco; ʾUsaʾmaẗ bin Laʾdin/Usamat bin Ladin; Hirohito, atbp.
- Isinasalintitik din ang mga pangalang Griyego gaya ng ginawa ng mga Romano. Kaya naman, Nicolaus Cazantzaces; Aristoteles Onases. Ngunit kung ang paksa ay personal na humiram ng makabagong anyo gamit ang titik Romano, gamitin iyon. Kaya naman, Iacoba Kennedy Onassis. Sa ano mang kalagayan dapat lang isalintitik ang mga pangalang Griyego, hindi isalinwika.